Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

“Papanagutan mo ba pagnamatay ang pulis at dumami ang drug lords?” Veteran Journalist, Bumuwelta kay Leni!

Kung ang mga kaalyado ni Vice President Leni Robredo ay pabor sa mga pinaplanong hakbang ng pangalawang pangulo sa anti-drug campaign ng pamahalaan, hindi lahat ay sang-ayon sa gusto mangyari ng bagong co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Kamakailan lang ay tinanggap na ni Robredo ang alok at hamon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na maging co-chair ng (ICAD) upang tumulong at makibahagi sa pagsugpo ng gobyerno sa ipinagbabawal na gamot. Pero ang mga pinakawalang pahayag ni Robredo nang maging ICAD Co-chair ay hindi nagustuhan ng ilang personalidad.

Isa ngayon sa pumupuna sa balak ni Robredo ay ang beteranang mamamahayag ng Daily Tribune na si Ninez Cacho-Olivares. Banat ni Olivares, mananagot din daw ba si Robredo sa pagkawala ng buhay ng mga alagad ng batas?

“Robredo did say that in her intention to curb drug killings, she would hold accountable not only drug smugglers, large-scale traffickers and “ninja cops” who recycle illegal drugs, but also those behind rights abuses in waging the war.” ani Olivares.

“But will Leni also take responsibility and accountability for any increase in the smuggling of drugs, the proliferation of the drug lords and the loss of lives of police and other anti-illegal drug agents?” banat pa ni Olivarez.

Maguguntia na gusto rin ipatupad ni Robredo ang “zero killings” sa kampanya kontra-droga.

Pinuna din ng mamamahayag ang tila madramang talumpati ni Robredo nang tanggapin nito ang ICAD co-chair position.

“Kahit sabihin pa natin na ang alok na ito ay pamumulitika lamang, at hindi naman talaga ako susundin ng mga ahensiya, at gagawin nila ang lahat para hindi ako magtagumpay, handa akong tiisin ang lahat ng ito,” sabi ni Robredo noong tinanggap niya ang ICAD co-chair position.

Buwelta ni Olivarez, agad daw hinatulan at ininsulto ni Robredo ang mga taong papangunahan niya bilang co-chair ng ICAD.

“Leni, do you think you lifted the spirits of the heads and the employees of the offices you will be heading with your early condemnation and your distrust of them? A good and competent boss never disparages her people. She needs them to succeed because the truth is, she can’t do the job alone. Nobody can,” banat ni Olivarez.

Source: Tribune | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén