Local News

“Parang Balewala lang iyong Pagbangga Sa Amin” – Pinoy Boat Captain

Kahapon ay binasag na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pananahimik tungkol sa nangyaring sigalot sa West Philippine Sea kung saan isang bangka na may lulang 22 na Pilipino ang binangga umano ng isang Chinese vessel.

Ayon sa Presidente, hindi dapat mauwi sa giyera ang isang aksidente sa karagatan.

“Stay out of trouble, just build on our own. Huwag muna tayong makialam. Do not allow a little maritime accident, intentional, to go to war,” sabi ni Pangulong Duterte.

Hindi naman nagustuhan ni Junel Insigme ang naging pahayag ni Presidente Duterte sa insidente sa kinasangkutan nilang insidente. Para kay Insigme, tila parang binabalewala lang daw ang pagbangga sa kanila.

“Nalulungkot po ako sa sinabi ni mahal na presidente dahil po parang balewala po yung pagbangga sa amin, dahil maliit lang na ano ‘yun, na walang namatay sa amin. Hihintayin pa po bang may mamatay po sa amin,” sabi ni Insigne.

Source: ABS-CBN | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén