Local News

“Parang Lasing na Pabida!” DJ Chacha, Nilait si Rep. Marcoleta!

Sa pagtalakay kahapon ng kongreso sa legislative franchise para sa ABS-CBN, agaw atensyon ang naging talumpati ni Congressman Rodante Marcoleta dahil inisa-isa nito ang mga diumano’y kasalanan ng Kapamilya network. Mula sa citizenship ng dating opisyal ng kumpanya, labor cause at pati ang paggawa ng istasyon ng pamamaraan para mapababa ng husto ang pinababayaranag buwis.

“Ang asunto na isinampa ng mahigit 100 manggagawa ng ABS-CBN sa National Labor Relation Commission o NLRC dahil sa pagtanggal sa kanila dahil sila raw ay mga talents lamang at hindi regular na empleyado. Nanalo po ang mga manggagawa sa NLRC at sa court of appeals. Bakit hindi na lang nila (ABS-CBN) sinunod ang hatol at umapela pa sa Korte Suprema? Ito ba ang sinasabi nila sa kanilang opening salvo na ang pagmamahal nila sa Kapamilya ay ganun na lang… Hindi po ba mas maganda at katanggap-tanggap na tumulong sa kapwa na walang nilalabag sa batas at buong sikap na nasusunod ang prangkisa. Dahil po ba kayo ay nakakapagdulot ng saya, aliw sa ating mamamayan, nakakapagbigay ng inspirasyon, katatagan ng loob, pag-asa, katulad sa sinabi sa opening salvo ng representative ng ABS-CBN, hindi na po ba natin susundin o tutuparin, isasalang-alang ang batas, o ang prangkisa ninyo? Makakapagpasaya naman tayo, makakapag-inspire tayo nang hindi po tayo lumalabag sa batas… Hindi po nag-comply sa batas ang ABS-CBN kaya hindi po sila pwede lumabas at magpalabas,” sabi ni Congressman Marcoleta.

Hindi naman nakatiis si ang Kapamilya talent na si DJ Chacha sa mga pasabog na pinakawalan ng kongresista. Kaya sa kanyang social media account ay binanatan nito ang mambabatas. Pero imbes na kontrahin ang mga sinabi ni Congressman Marcoleta ay nilait na lang niya ang paraan ni Marcoleta sa pagsasalita.

Si Chacha ay Disc Jockey sa MOR 101.9 na pagmamay-ari ng ABS-CBN corporation.

“Si Marcoleta, naalala ko yung Tito kong pag lasing na kung anu-ano tinatalak makapagpa-bida lang.” sabi ni DJ Chacha.

Source: DJ Chacha | Archive

Leave a Reply