Local News

‘Parang Pinatay ang Pamilya namin!’ Sharon, sa ABS-CBN Franchise Denial

Nagbigay na ng reaksyon si Megastar Sharon Cuneta sa sinapit ng ABS-CBN nitong nakaraang linggo.

Magugunita na noong Biyernes ay hindi binigyan ng kongreso ng panibagong prangkisa ang istasyon dahil sa mga isyung bumabalot sa network tulad ng kuwestiyonableng labor practices hanggang sa tax avoidance schemes.

Ayon kay Cuneta, ang ginawa daw sa ABS-CBN ay parang pagpatay na rin daw sa kaniyang pamilya.

“Parang sinunog ang bahay namin. Parang pinatay na rin ang pamilya namin, lalo na ang 11,000 na hindi ganon-ganon lang makakahanap ng trabaho ngayon lalo sa panahong ito. Sabi ko nga, personally, sa akin lang mag-isa, para akong nagulat na na-FPJ style na suntok na sunod-sunod na sinabayan pa ng mga ala-Pacquiao na suntok din. Pero mabuti na rin ang saby-sabay para isang malaking sakit na lang,” sabi ni Cuneta.

Nitong nagdaang mga araw ay naging laman ng social media si Cuneta dahil sa mga pagsalag sa batikos na binabato sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan at sa asawa nito na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

Humantong pa sa puntong hiniling ni CUneta na tumakbo bilang Presidente si Vice President Leni Robredo sa 2022 para daw maibalik ang pagka-disente ng mga Pilipino.

“I don’t know what’s happened to our country. I hope VP Leni runs for president next time, dahil hindi na rin naman makakatakbo si Tatay next time… Pagkatapos ng term ni Pangulong Duterte, sana manalo si VP Leni kung tumakbo siya… Baka sakaling bumalik ang pagka disente ng karamihan sa atin… Ano bang nangyari sa basic decency natin? Ano bang nangyari sa tamang pag-iisip at pagpili sa tama sa mali. Bakit ang dali-dali ng manakit ng kapwa que bayaran o que hindi. Mayroon talagang bayarang trolls. Of course I know for a fact because my husband is in politics,” sabi ni Cuneta.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: