Local News

Parang Zombie land? Ilang Tao sa China, Biglang Bumubulagta sa Kalsada dahil sa Coronavirus

Ilang banyagang pahayagan na ang naglabas ng ulat patungkol sa ilang tao sa Wuhan, CHina na biglang na lang daw tumutumba dahil sa bagong uri ng Coronavirus.

Sa headlines ng The Sun, Mirror at Express, inilarawan nila ang pangyayari na parang mga eksena sa zombie movies. Sa video na nailathala sa internet kamakailan lang, makikita ang isang lalaki na nakahandusay sa lapag ng isang ospital habang tinutulungan siya ng ilang medics na naka hazmat suits at gas masks. Ang biktima ay nakasuo pa ng protective mask.

Habang ang isang lalaki naman ay naka bulagta sa kalsada at inaasikaso din ng mga medics.

Nagpatupad na ang gobyerno ng China ng transport ban upang mapigilan pa ang pagkalat ng sakit sa mga karatig lugar.

Hinihinalang nagmula ang sakit sa mga exotic food tulad ng paniki at ahas na ibinebenta sa isang kainan sa Wuhan.

Mayroon din isang unverified video na kumakalat kung saan makikita ang magulong eksena sa Wuhan Hospital. Ang naturang video ay ibinahagi na ng verified journalist.

Source: The Sun| Mirror | Express | NBC

Leave a Reply

Theme by Anders Norén