Local News

“Parati tayong nagkukulang!” VP Robredo, may Boladas Patungkol sa Coronavirus Quarantine Issue!

Sa kanyang programa sa radyo, may boladas si Vice President Leni Robredo patungkol sa hakbang ng gobyerno sa pagpili ng lugar kung saan ilalagak ang mga Overseas FIlipino WOrkers (OFWs) na mula sa China upang i-quarantine.

“Iyon din iyong tingin ko na parati tayong nagkukulang. Kahit sa Marawi, ganoon din, eh. Na sana kahit anong gagawin sa lugar mo, kailangan ikaw iyong unang kokonsultahin kasi ikaw iyong may responsibility na mag-explain sa mga tao, ikaw iyong may responsibility na siguruhin na safe iyong lugar,” sabi ni Robredo.

Magugunita na tinanggihan ng mga lokal ng opisyal ng Capas, Tarlac ang “last minute decision” ng Department of Health (DOH) na gamitin ang New Clark City bilang quarantine facility. Ayon sa mga opisyal, hindi daw sila naisali sa pagpaplano.

Pero kalaunan ay nilinaw ni Capas Mayor Reynaldo Catacutan na payag naman sila na ialok ang kanilang lugar sa mga kababayan natin na isasailaim sa quarantine. Nabahala lang daw siya sa kakulangan ng koordinasyon ng DOH.

Ayon kay Robredo, dapat kinakausap muna ng national government ang mga Local government units.

“Talagang iyon iyong pakiusap natin sa national government agencies na bago magdedesisyon na mai-involve iyong LGU, parating kokonsultahin muna iyong LGU officials,” dagdag pa ni Robredo.

Kamakailan lang ay napaulat na nagsagawa pa ng welga ang ilang residente ng Capas para tutulan ang pag-quarantine ng mga OFWs sa kanilang lugar.

Magugunita na nagbabala ang isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga opisyal na haharang sa hakbang ng gobyerno na gawing quarantine facility ang New Clark City.

“Issue na po ito ng national concern (This is already an issue of national concern). It is an order by the President, it was approved by the NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council)…So wala pong magagawa ‘yong local sa pagpunta o pag-quarantine ng ating mga kababayan diyan… Meron na po silang kalalagyan diyan. ‘Yong mga opisyales natin na hahaharang sa isang kautusan ng Pangulo, may kaakibat po administrative, baka may criminal side pa ho ‘yan ‘pag hinarang po nila yan,” banat ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III.

Source: Politiko | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén