Local News

Pari na may Kasong Rape, Tinadtad ng Bala!

Hindi nakaligtas ang paring si Fr. Rene Regalado, 42, nang tadtarin siya ng bala ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Nangyari ang krimen sa Pal-ing, Patpat, Malaybalay City, mga dakong 7:30 ng gabi.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng kapulisan na nagmamaneho ng kaniyang sasakyan ang pari papuntang Camelite Monastery nang tambangan ito ng mga armadong lalaki. Mabilis din daw nakatakas ang mga salarin. Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang pistola at sampung basyo ng bala.

Ayon sa mga nakakakilala sa biktima, nakakatanggap na raw ito ng mga pagbabanta sa buhay bago ang nangyaring pamamaslang.

Natuklasan na mayroong kinakaharap na kasong rape si Regalado noong nagsilibi itong Kura Paroko sa Lala, Lanao del Norte.

Inaalam na ng mga alagad ng batas ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

Source: Remate | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén