Local News

Partido Komunista, Napasok na rin ang Mundo ng Showbiz ayon sa Senate Witness

“It was a suspected rumor in the past,”

Sinegundahan ni Senate President Vicente Sotto III ang mga alegasyon na may ilang personalidad sa mundo ng showbiz na sangkot sa kilusan ng mga komunista,

Si Sotto ay dating aktor at mang-aawit bago pumasok sa politika. Ayon sa senador, may naririnig na daw siya na mga usap-usapan na may mga ibang artista na konektado sa Communist Party of the Philippines.

Magugunita na tumestigo sa senado si Jeffrey Celis aka Ka Eric upang ilantad ang mga taktika ng mga rebeldeng komunista sa pangangalap ng pondo at kung paano napapasok ng mga ito ang iba’t-ibang sektor. Ilan sa mga pinangalanan ni Ka Eric ay ang Concerned Artists of the Philippines (CAP).

“Hindi po totoong walang program ang CPP sa showbiz industry, entertainment, musicians and artists (It’s untrue that the CPP does not have a program for the showbiz industry, entertainment, musicians and artists)… From that open organization, loose organization of showbiz personalities, entertainers, musicians, kompositor at mga artist ay nabubuo ang (composers and artists comprise the) underground organization,” Celiz told senators, saying there are ‘underground groups'” sabi ni Ka Eric.

Si Ka Eric ay nagpapakilalang dating miyembro ng New People’s Army (NPA).

Umalma naman ang CAP sa mga alegasyon laban sa kanila. Ayon sa grupo, ang akusasyon sa kanilang samahan ay delikado.

“From then until today, we are an organization of writers, artists, and cultural workers committed to constitutionally protected principles of freedom, justice and democracy… We have always stood for freedom of expression and the people’s welfare Even if it means having to call out and criticize those in power. That is activism, not terrorism,” boladas ng CAP.

Para kay Lt. Gen. Antonio Parlade nagagamit ng mga komunista ang mga personalidad sa showbiz upang magkapanghikayat ng bagong miyembro.

“Gamit na gamit ‘yong celebrities because this is one way of convincing the masses that they are winning. Actually sinasabi nila, ‘Kita niyo, may mga kasama na tayong artista, kaya sumali na kayo sa amin’,” paliwanag ni Parlade.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén