Local News

Partner Hotel sa SEA Games, Nagsalita na tungkol sa Negatibong Reports sa Media!

Kahapon ay panay ang palabas ng ilang mainstream media ng mga negatibong ulat tungkol sa lagay ng Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa Pilipinas. Ilan sa mga nakakasira sa imahe ng Pilipinas na inulat ng media ay ang naantalang pag check-in ng mga banyagang atleta sa kanilang hotel rooms hanggang sa pagrereklamo ng mga Thailand players sa pagkain ng hotel.

Dahil sa mga hindi magandang balita na inilalabas ng mga media ay nagbigay na ng pahayag ang Century Park Hotel Manila, ang partner hotel para sa SEA Games.

Nilinaw ng hotel management na ang schedule na pinirmahan sa kasunduan ay alas-2 ng hapon ng November 23. Pero napaaga daw ang dating ng kupunan ng Cambodia. Naabisuhan lang daw sila isang araw bago ang pagdating ng team Cambodia.

Dahil sa full occupancy ang kanilang hotel, ilang miyembro ng kupunan lang muna ang nabigyan ng kwarto. Ang ilang team members naman ay inalok na manatili muna sa function room. Pinili din daw ng mga ito na matulog sa sahig kahit na inalok ng mga upuan.

“We are a proud supporter of the 2019 SEA Games wherein we agreed to house players and delegates from different countries from November 23 to December 11, 2019.

The signed agreement with the organizers include accommodations with standard check-in time of 2:00 PM.

We were told that team members from Cambodia were coming in early on November 23, 2019 the night before. As much as we wanted to accommodate the request, it was not possible due to full occupancy. Standard check out is until 12:00NN. However, as early as 8:25am, some members were given an early check-in due to availability of rooms.”

As goodwill, we offered our function rooms to serve as their temporary holding area after their breakfast. We asked them if they needed more chairs but they declined, preferring the floors so they could lie down to rest. Lunch was also served to them accordingly,” sabi sa pahayag ng Century Park Hotels.

Sinagot din ng hotel ang isyu tungkol sa pagkain ng Thailand Team.

“We are also coordinating with the organizers on other concerns raised by the Thai team, since part of the agreement with them is a cycle menu for the SEA Games delegation as well as two bottles of water per day to be supplied per person based on hotel industry standards

Rest assured that we continue to uphold our mission to provide a home away from home to all our guests. We will strive to make the SEA Games delegation’s stay a memorable one in the coming days.” dagdag pa ng hotel.

Magugunita na kahapon ay naglabas ng larawan ang CNN Philippines ng maduming swimming pool area ng Rizal Memorial Complex sa Maynila kahit na ang swimming event ay sa Clark City.

Dahil sa batikos ng mga netizens ay binura ng CNN Philippines ang larawan.

Source: Century Park Hotel Manila

Leave a Reply

Theme by Anders Norén