Local News

Party-List, Bubuwagin na? PDU30, Iminungkahi na sa mga Mambabatas!

Base sa ulat ng News5, kinausap na raw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ilang miyembro ng senado at kongreso upang imungkahi na amiyendahan o buwagin na ng tuluyan ang partylist system.

Ayon kay Pagulong Duterte, nagagamit daw ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang nasabing system.

Magugunita na noong nagkaroon ng pagdinig sa senado ukol sa red-tagging ay tumestigo ang mga dating NPA upang isiwalat kung paano ginagamit ng mga rebeldeng komunista ang gobyerno upang sirain ang pamahalaan. Isa daw sa mga paraan ng mga ito ay tumakbo sa kongreso sa pamamagitan ng party-list system. Ayon kay Jeffrey Celis aka Ka Eric, ang Makabayan Bloc daw mga miyembro ng CPP. Isiniwalat din ni Ka Eric kung paano nakakakulimbat ng pera ang mga rebeldeng komunista.

“Ang message ko lang is very clear. Magandang pagkakataon ito upang mag-unite ang buong bayan, ang gobyerno, ang senado, ang kongreso, ang executive and even the judiciary for us to stand against the CPA-NPA-NDF. From a perspective of a former a cadre, ano ang kapabilidad ng CPP-NPA-NDF? They can not overthrow the government but they can make Smart and Globe pay 200 million and more every year, combined. Is that not a threat? They can make 300 to 400 million from the NGO racket and they can make triple A contractor,” sabi ni Ka Eric.

Source: News5 | Senate Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén