Local News

Partylist Congressman na Nanapak ng Waiter, Hinamon ni Tulfo!

“Wala ka pang nagagawang batas, punyemas ka. Abusado ka ng hinayupak ka. Mamaya ka sa akin,”

Nagkarating na sa kaalaman ng beteranong mamamahayag na si Erwin Tulfo ang ginawang pananapak ng bagitong “Ang Probinsyano” Partylist congressman na si Alfred Delos Santos sa isang pobreng waiter sa Biggs Diner sa Old Albay District, Legazpi City. Masuwerte din ang waiter dahil nahagip ng closed-circuit television ang ginawa sa kanya ng baguhang kongresista.

Lumitaw kagabi sa ilang media outlets ang ulat ng ginawang pagpapakawala ng suntok ni Delos Santos sa waiter na si Christian Kent Alejo, 20-anyos.

Dahil dito, hinamon ni Tulfo ang kongresista na sila ang magtuos.

“Congressman, Kung nangangati pa ang kamay mo hanggang ngayon, pumunta ka dito. Ano? Ako ang sampolan mo ng sinasabi mong sapok na iyan. pumunta ka dito. Tignan natin. Susmaryosep,” buwelta ni Tulfo kay congressman Delos Santos.

Inalok din ni Tulfo ang biktima ng tulong at abogado para maging pantay ang laban nito sa kongresista.

“Christian, ituloy mo iyan, nasa likod mo ako. Kung kailangan mo ng abogado, tutulungan kita. Bibigyan kita ng abogado. Putragis.. para tabla-tabla ang laban. Hindi pupuwede… at kung tinanong ni congressman, ‘Sino bang nasa likod niyan?’, sabihin mo, ‘Si Erwin Tulfo po at saka ACT-CIS partylist’. Dito ho paninindigan namin, yung mga inaapi ho diyan ay kakampihan namin para level ang playing field, Eh congressman ka di ba? Ngayon, tutulungan namin ang kawawang biktima,” sabi ni Tulfo sa biktima.

Ayon sa impormasyon ni Tulfo, lasing umano ang kongresista at inakala daw nito na masama ang tingin ng waiter sa kanya. Ang nakarating na impormasyon kay Tulfo ay parehas sa ulat ng Abante. Base sa Abante, amoy alak daw ang mambabatas nang sinubukan nitong suntikin ang serbidor sa kainan.

Panoorin ang CCTV footage ng pananapok ni Congressman Delos Santos sa serbidor sa restaurant

Source: Erwin Tulfo | Abante

Leave a Reply

Theme by Anders Norén