Local News

“Pasadong Rating ni PDU30, Sampal sa Pagmumukha ng mga Kritiko!” – Malacañang

Sa isang pahayag na nilabas ng Office of the Presidential Spokesperson, malugod na tinatannggap ng Malacañang ang pinakahuling resulta ng satisfaction survey ng Social Weather Sttation (SWS) kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapakitang lalong tumaas ang dami ng mga kababayan natin na nasisisyahan sa performance ng Presidente.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinabubulaanan ng survey ang mga bintang ng mga kritiko. Ito rin daw ay magbibigay ng malakas na mensahe sa mga foreign human rights groups and foreign governments na ihinto na ang mga walang basehang akusasyon laban sa giyera kontra-droga ng Duterte Administration. Ayon pa kay Panelo, sampal sa pagmumukha ng mga kritiko ang pinakahuling survey.

“In addition, the survey result is a slap on their faces for their outrageous intrusion on the sovereignty of our country,” sabi ni Panelo.

Nagpapasalamat din ang Palasyo sa walang-sawang suporta ng publiko sa pamumuno ni Pangulong Duterte. Ito raw ay lalong magtutulak sa gobyerno na magtrabaho ng maigi.

Panoorin ang kaugnay na ulat tungkol sa pinakahuling satisfaction rating survey ni Pangulong Duterte.

Ito po ang ilang reaksyon ng mga kababayan natin sa pinakahuling survey sa performance ng pangulo.

Source: Office of the Presidential Spokesperson | GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén