Local News

‘Pasanin iyan!’ DU30 Govt Official, Nagsalita na ukol sa Pinalaking Philhealth Contribution sa OFW!

Hindi nagustuhan ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang pinataas na PhilHealth premium contribution sa mga Overseas Filipino workers (OFWs).

“It is like an income tax which was abolished for OFWs and even their tax-free income filings were destroyed. They are just totally out of the purview of government exactions which they will not benefit at all,” sabi ni Locsin.

Itong nagdaang mga araw ay naging maugong ang reklamo ng mga kababayan nating OFWs laban sa bagong patakaran. Sa ilalim kasi ng bagong circular ng Philhealth, ang mga OFWs na may buwanang kita na P10,000 hanggang P60,000 ay tataasan ang kaltas sa kanilang sahod ng 3% para sa Philhealth contribution.

“After the abolition of the income tax on OFWs, they’ve figured another way to tax you for the great privilage of being born Filipino, poor and jobless at home. Let’s all sing for nothing. Why don’t we just leave OFWs alone except to help them when they are in trouble. Their blood but better wages abroad account for 10% of our GDP according to the a**** who want to take some of their earning,” banat pa ni Locsin.

Nanawagan naman si House Deputy Speaker and Basilan Representative Mujiv Hataman kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipabawi ang circular ng Philhealth.

“Nananawagan ako sa ating Pangulo na pigilin ang implementasyon ng pagtaas [ng] singil ng PhilHealth sa mga OFWs. At a time when even verbal orders from him are heeded, a mere pronouncement from him can temporarily stop the collection of fees. I think we are all in agreement that now is not the right time to impose that particular provision of the UHC (Universal Healthcare) Law. Ceasefire muna sa bagong singil… Dapat nga, moratorium sa pagbabayad ang ginagawa ng gobyerno dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 sa lahat ng tao saan mang bahagi ng mundo. Dapat ay tinutulungan natin ang mga OFWs at hindi pinahihirapan,” sabi ni Hataman.

Source: Inquirer | News5 | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: