Local News

Pasaring ba kay Bato? Isko, Tinawag na Tolongges ang Nagsasabing ‘Di Kailangan ng FDA Approval ang Bakuna Kontra-Covid

Binira ni Manila Mayor Isko Moreno ang ilang opiosyal ng pamahalaan na nagsasabing karapatan ng tao na magpabakuna ng covid-19 vaccine kahit na hindi pa ito pinapayagan ng Food and Drug Administration.

“Walang presidente, walang mayor, walang senador na magsasabi na hindi puwede mag-FDA. Hindi po, may batas po. Kaya ‘yung mga tolongges na ‘yan at saka ‘yung ilang senador diyan nagsasabi na hindi kailangan ng FDA, eh kailangan po. Huwag nating hihikayatin’ yung mga ilegal,” boladas ni Moreno.

Walang binanggit na pangalan si Moreno pero magugunita na sinabi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na handa siyang magpabakuna kahit hindi aprubado ng FDA ang gamot.

“Pagisipan ko. FDA-approved or hindi, buhay ko ito. Wala akong pakialam diyan sa FDA, kung approved nila o hindi ‘yan basta buhay ko nakasalalay, I have to decide for my own life… Halimbawa, approved na sa China, hind pa approved dito sa FDA natin, so kung approved na sa China, may sariling FDA yung sa China. Ang pag-approve ng FDA natin dito is more on formality na lang yan… Halimbawa, galing sa Europe yan, di pa na-examine na test ng FDA dito, ‘di pa nila na-approve pero kung ito’y ginagamit na nila doon sa lugar nila, meaning may sarili silang FDA na nag-approve, then bahala na kayo diyan. Basta buhay ko ang nakataya dito. Desisyunan ko ito kung magbabakuna ako hindi. Kung may available (na vaccine)… Kung talagang okay na yan na vaccine… Eh ‘di magpapabakuna na rin ako dahil nung nagka-COVID ako, wala akong ibang dasal: Lord, ‘wag mo sana akong ipa-cremate. ‘Yun lang palagi kong dasal noon, ‘wag sana akong ma-cremate dahil napakahirap yung ma-creamte ka. H indi ka madalaw sa lamay mo, napakahirap, torture sayo ‘yun,” paliwanag ni Dela Rosa.

Source: GMA News | Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén