Local News

Pastor Quiboloy, Siniwalat na Naka-BMW si Arnold Clavio!

Hindi pinalampas ni Pastor Apollo Quiboloy ang pagkakataon para rumesbak kay GMA7 news anchor Arnold Clavio sa ginagawang pangungutya umano sa kanya. Sa kanyang programa, tinalakay nila ang pagsisiwalat ni Sarah Balabagan.

Magugunita na naging trending ang pagbubulgar ni Balabagan na si Clavio ang tatay ng kanyang anak na panganay. Si Balabagan ang dating Overseas Filipino Worker (OFW) na nakulong noon sa United Arab Emirates matapos niyang mapaslang ang kanyang amo dahil sa pagtatanggol sa sarili sa tangkang panggagahasa. Si Clavio naman ang reporter na tumutok sa kaso ni Balabagan matapos bumalik sa Pilipinas ang dating OFW.

“Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas… Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko… Idinagdag pa niya na siguro ay will ng nasa Itaas ang mga nangyayari para maitama niya ang lahat ng dapat maitama… Hindi naman po habambuhay, e, buhay ako para sagutin ang mga haka-haka at mga tsismis na ‘yan… Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko… Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon… Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng unuwi ako sa Pilipinas noon August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive la nga niya ang story… Alam niyo naman kung gaano siya ka-kengkoy. Hindi kang ‘yung mukha niya kundi pari na rin ‘yung sense of humor niya. Kahit umiiyak ako, e, napapatawa niya ako… Galing ako sa kulungan noon and just imagine kung gaano ako ka-vulnerable noon pero hindi ko po idya-justify kung ano ang nagawa ko po…. Si ‘Kuya Arnold’ din ang kauna-unahang tao na nagpasyal sa akin sa Maynila. At siya rin ang kauna-unahang tao na nagyayang manood sa akin ng sine,” sabi ni Balabagan.

Walang awat ngayon si Pastor Quiboloy sa pagbuwelta kay Clavio.

“Binabatikos niya ang Pangulong Duterte. Tapos ginagawa tayong katatawanan. Eh di harapin mo ‘yung sinabi ni Sarah Balabagan. Mayroon ka pa lang sikreto rin na mas matindi pa. Tapos binabatikos mo ang Pangulong Duterte imbes na tumulong ka. Tapos ginagawa mo kong katatawanan. TIgnan mo ang mukha ko. Ito ba ay mukhang katatawanan? Itabi mo ang mukha mo sa akin, sino ang mukhang puppet sa atin? Ako hindi naka-BMW. Wala akong BMW. Ika alam kong naka-BMW ka. Hindi kotse ibig kong sabihin, “Buhok Mo Wig”. Pero kailangan mo rin ng kaligtasan kaya makinig ka sa akin,” resbak ni Quiboloy.

Source: DZAR

Leave a Reply

Theme by Anders Norén