Local News

Pastor Quiboloy, Kinasuhan ng Rape ng Dating Miyembro!

Naghain ng reklamong rape ang babaing dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) laban kay Pastor Apollo Quiboloy. Ayon sa ilang ulat, hinalay daw siya ng pinuno ng sekta noong nasa kolehiyo pa lang daw siya. Inereklamo din ang lima pang iba pa ng panggagahasa.

Base sasalaysay ng dating miyembro, noong 2014 at 17-anyos pa lang daw siya nang hinalay siya ni Pastor Quiboloy habang iskolar siya ng pastor. Nangyari raw ito noong naninirahan pa siya sa Jose Maria College.

Mariing dumpensa at itinanggi ng kampo ni Pastor Quiboloy ang mga akusasyon laban sa religious leader.

Ayon sa kampo ni Pastor Quiboloy, sinampahan na daw nila ng kasong libelo ang babae ngayong taon dahil gumamit daw ito ng dummy account sa social media para siraan si Pastor Quiboloy.

“We will show you that this is not true. Because Quiboloy is true to his mission to propagate love, the love for Jesus and we are here to cause the dismissal of the criminal cases filed to him… Part of our theory that maybe she planned this a long time ago… This was issued April 29, 2019. The case for libel has been going until today but her lawyer withdrew from the case… She already surrendered and posted bail and the case is now on-going in the Regional Trial Court in Panabo City… It appeared that she is well supported and well financed. We know who they are and we are prepared for them. We will show them that Quiboloy is innocent,” sabi Lawyer Israelito Torreon, legal counsel ni Pastor Quiboloy

Naniniwala ang kampo ni Pastor Quiboloy na posibleng ginagamit lang daw ng ibang tao ang babae upang pabagsakin ang pinuno ng KJC.

Si Pastor Quiboloy ay inereklamo rin noong nakaraang taon ng pagpapatakbo umano ng “sex ring” ng mga menor de edad.

Source: ABS-CBN | DWIZ | Philippine New Agency

Leave a Reply