Local News

Pastor Quiboloy, Nagbigay ng Relief Goods sa mga Taal Victims!

Nag-alay ng panalangin si Kingdom of Jesus Christ Pastor Appolo Quiboloy para sa mga nabiktima ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

“Ine-invoke ko po ang kapangyarihan ng dakilang Ama sa pamamagitan ng kaniyang hinirang na anak na maging sapat na ang sakunang ito na nangyayari sa mga kababayan natin. Sana ay mamulat na sila lahat sa katotohanan na hindi lang dapat na tawagin siya sa panahon ng sakuna kundi sa lahat ng panahon ng ating buhay at sundin ang kaniyang dakilang kalooban. Hinihiling ko po sa pamamagitan ng dakilang Ama na i-stop o pahintuin na ang pagputok ng bukkang ito upang hindi na siya makapanalasa at makapanira pa,” panalangin ni Pastor Quiboloy.

Sa isang social media post, sinabi ng Manila Bulletin columnist at radio host na si RJ Nieto (aka Thinking Pinoy) na isa si Pastor Quiboloy sa mga naunang nagpadala ng tulong sa mga nabiktima ng Bulkang Taal. Kaya dahil dito ay nagpasalamat ang kolumnista kay Pastor.

“Ginagawang biro ng iba si Pastor Apollo C. Quiboloy pero in fairness, sa panahong kailangan ng tulong ng mga kababayan nating nasalanta ng Taal Volcano, isa siya sa mga unang nagpadala ng tulong. Salamat po, sir,” sabi ni Nieto.

Si Pastor Quiboloy ay naging laman ng balita noong nakaraang taon dahil sa mga pambihirang mga litanya nito. Magugunita na noong tumama ang lindol sa Mindanao, sinabi ni Pastor Quiboloy na kaya ito huminto ay dahil inutusan niya raw ang lindol na “mag-stop”.

“Noong lumindol ng 6.6 ay naroroon ako sa kuwarto ko. Ang sabi ko ‘lindol stop’, umi-stop! Tapos pangalawa, mga eleven siguro ‘yun. Nandiyan si Ingrid, nagsusulat ako, lumindol, sabi ko, ‘Stop’. Eh di umi-stop… Pasalamat kayo sa akin kasi kung hindi ko pina-stop ‘yun, maraming kayong magigiba at mamamatay kayo,,” sabi ni Pastor Quiboloy noong Oktubre 2019.

Source: SMNI News Channel | Thinking Pinoy

Leave a Reply

Theme by Anders Norén