Local News

‘Patay na ang Sundalo, Nilaslasan pa ng Leeg!’ Ex-NPA Ka Amihan, Binunyag Kung Bakit siya Umalis sa Kilusan!

Kahapon ay humarap sa senado si Jeffrey Celis aka Ka Eric upang ibunyag ang modus operandi ng COmmunist Paryt of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA). Ayon kay Ka Eric, nakakatanggap daw ng P200 million ang kilusan mula sa mga malalaking telcos at private contractor kaya naipagpapatuloy ang mga oprasyon nito laban sa pamahalaan. Si Ka Eric ay dating miyembro ng NPA.

Kasama rin na tumestigo ni Ka Eric sa senado ay ang dati ring NPA na si Joy Salino aka Ka Amihan. Idinetalye ni Ka Amihan sa senado ang mga kahayupan ng NPA at kung bakit siya umalis sa kilusan. Ayon kay Ka Amihan, isa raw sa mga rason kung bakit siya umalis sa NPA ay ang pagiging abusado ng mga NPA.

“I was able to join an NPA ambush against the forces of 25th Infantry Battalion sa Davao De Oro. May isang tropang sundalo na patay na ay nilaslasan pa ng leeg… Sa part ko, hindi talaga siya makatao eh… Hindi ganito ang aking advocacy, hindi ganito ang prinsipyo ko… When we had a meeting, pinag-usapan talaga (ang paglaslas sa leeg). Sa loob ng kilusan may death penalty… I really asserted death penalty against that political instructor na naglaslas ng leeg ng tropang patay na. However, some of the cadres decided for a demotion instead of death penalty. Malaking violation iyan, hindi lang sa batas ng NPA kundi sa Geneva convention,” sabi ni Ka Amihan.

Source: Senate of the Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén