Local News

Pati ba si DU30 Hindi Pwede Bumalik sa Davao dahil sa Lockdown? – Karen Davila

Kahapon ay nagdeklara na ang pamahalaan ng “community quarantine” sa buong Kamaynilaan upang malabanan ang patuloy na pagkalat ng coronavirus (covid-19).

Ilan sa mga direktiba ay ang restriction sa land, sea at air travel ng halos isang buwan. Pati ang mga klase sa buong Metro Manila ay suspendido na rin.

“It’s just a matter of protecting and defending you from COVID-19. That’s about it. It has nothing to do with the power of the military or the police, nor my power or these guys beside me. It’s just an issue of protecting public interest,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Nakiusap din si Pangulong Duterte sa publiko na makiisa para malabanan ang pagkalat ng karamdaman.

“It’s a serious one. It is true, ‘wag ninyong maliitin (do not belittle it). Do not minimize it. But as I said, do not kill yourself with worry because as I said, the government is doing everything to make it at least controllable,” ani Pangulong Duterte.

Nagpayo din ang Pangulo sa mga estudyante na tutukan ang mga aralin imbes na magbabad sa kanilang mga gadgets.

“Avoid trouble with the law, avoid trouble with anybody. Just follow. Better just stay home and study… Kung ayaw niyong sundin , you stick with your cellphone, ang ga-graduate niyan yung cellphone niyo, hindi ikaw,” ayon pa sa Pangulo.

Ibinibigay naman na ni Pangulong Duterte sa mga Local Government Units sa labas ng Metro Manila ang pagdedesisyon kung magsasagawa din ang mga ito ng kanselasyon ng mga klase.

Pero may tanong ang ABS-CBN news anchor na Karen Davila patungkol sa nasabing restriction. Sa kanyang Twitter post, kinuwestiyon ni Davila kung pati daw ba si Pangulong Duterte ay kasali sa travel lockdown.

“The President means well. My question is by imposing a domestic travel lockdown in Metro Manila for 1 month, it means he also can’t go back to Davao? #Covid19,” sabi ni Davila.

Source: Karen Davila | Luminous

Leave a Reply

Theme by Anders Norén