Local News

‘Patunay na may kinikilingan!’ Leni, Kinundina ang Pardon ni PDU30 kay Pemberton!

Kahapon ay naging laman ng mga balita ang pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng pardon kay Joseph Scott Pemberton.

Si Pemberton ay ang Amerikanong sundalong nakapaslang sa transgender na si Jennifer Laude noong 2014.

Ang naging hakbang ni Pangulong Duterte ay mariing kinundina ni Vice President Leni Robredo.

“Noong October 11, 2014, pinaslang si Jennifer Laude sa Olongapo. Kahapon, binigyan ng absolute pardon ng Pangulo ang pumaslang sa kanya na si Joseph Scott Pemberton.
Ang tanong nga natin: Patas at makatarungan ba ang naging desisyong ito? Libo-libo ang nakakulong pa rin dahil walang pambayad sa abugado. Hindi malitis-litis ang kanilang mga kaso. May mga pamilya silang nagugutom, nagkakasakit, at naghihirap. Pemberton had lawyers, special detention facilities, a quick, public trial, and an appeal. Ngayon, lalong luminaw na mayroon din siyang resources para masigurong mabibigyang-pansin ng mismong Pangulo ang kaso niya.
Isa lang ang kasong ito sa maraming patunay ng pagkiling sa makapangyarihan na nakikita natin mula sa pamahalaan. Napakaraming mga Pilipino na mas magaan ang sala, ngunit hindi nabibigyang-pansin o nabibigyan ng ganitong uri ng pribilehiyo. Ang nakikita natin: Kapag mahirap, may parusa; kapag mayaman at nasa poder, malaya.
We continue to hope that the President exercises his vast powers in a manner that is fair and that benefits the common Filipino.”
boladas ni Leni!

Narito naman po ang pahayag ni Pangulong Duterte sa pagbibigay niya ng pardon kay Pemberton.

“Ito bang si Pemberton, ito ‘yung American serviceman na nakulong tapos hindi malaman ngayon ng gobyero anong klaseng computation gawin, anong factors to contribute to the equation that would arrive at a reasonable conclusion that these things happened and should be there included sa pag-compute.

Alam mo, I am not favoring anybody, neither Pemberton nor the family. Pero alam mo itong gobyerno may kaunting ano diyan dapa kasi sa good behavior kailangan i-compute mo sa lahat, detained siya for the crime facing trial and prisoned siya for the crime. Iba ‘yung detenado ka habang ‘yung kaso hini — pinapakinggan ng korte, trial. Iba naman ‘yung detenado ka na, sentensiyado ka na after trial. Siya kasi while being tried, detained na siya, tapos noong na-convicted siya tuloy-tuloy na.

Ngayon, ganito ‘yan, the basic fault there is when you talk about good behavior, lahat na kuwentahin mo. Ngayon kung hindi mo kuwen — hindi mo kuwentahin, may kasalanan ka rin because they say that it is part of your being in prison. Sa ayaw mo’t sa hindi nakakulong ka rin so you are a person deprived of liberty.

Ngayon, ang pagkuwenta hindi alam nila kung kasali ba o hindi at may record. Eh walang record kasi ‘yung lugar, alin doon na detenado si Pemberton sa Marines, sa garrison. Ang Marines never kept a record of the — hindi trabaho ng Marines ‘yan na magbantay kasi hindi ‘yan sila BJMP o taga-Muntinlupa. BJMP noong hini-hear pa ‘yung kaso. Muntinlupa ‘yung sa loob na. Taga-Muntinlupa iba ‘yan.

Tandaan ninyo ito ha. Iyong detenado ka pa lang, hini-hear ‘yung kaso mo, BJMP ka, hindi ka makukulong sa Muntinlupa. Ngayon, kung matapos na ang kaso, sentensiyado ka, bibitawan ka na ng BJMP, ibigay ka na doon sa mga Muntinlupa personnel.

Iyong ngayon, ‘yung kaso pag — ‘yung sa pagkapreso niya, wala silang record. So pagka walang record, hindi mo malaman kung nabilang ba o hindi. Oh well pagka ganun, hindi kasalanan ni Pemberton. He is not required to keep his record of his own and characterize his behavior there inside while in prison, detenado, for the hearing.

Now ‘yung na-sentensiyahan na siya, napunta na siya ng Muntinlupa, mayroon namang mga BJ — ay hindi, na mga Muntinlupa personnel — doon nababantayan na sila. Ngayon, ikukuwenta pa ba ‘yung ano? Ang problema nito ganito, sinong magsabi ngayon na noong detenado siya nagkakalat siya sa loob, sumisigaw siya o sinisira niya, he destroys things? Wala eh. Kasi walang listahan. Wala namang nakalagay doon because wala talaga.

So it is not the fault of Pemberton na hindi na na-compute because we should allow him the good character presumption kasi wala namang nag-report na Marines na nagsabi nagwawala siya. The Marines could have reported if it were otherwise to the Secretary of Justice or to the police, to the PNP, na itong tao na ito magulo, parang lasing araw-araw, nagsisigaw ganun.

So ‘yung presumption kasi wala namang sumbong, ‘di walang ginawa ‘yung taong masama. In fairness, tapos na ‘yung kuwentada, he was recommended to be released, ‘di i-release mo. Kaya isip-isip ko — nakikinig lang ako sa ‘yung sa newspaper pati sa radyo — sabi ko, it is not fair, hindi makatarungan.” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Source: ABS-CBN | Leni | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: