Local News

PCGG, Nagbigay ng Pahayag Kaugnay sa Nawawalang Picasso Painting na Namataan Umano sa Bahay ni Imelda Marcos!

“I don’t want to speculate, okay? The fact remains that we seized that painting in 2014, and it was reported as a replica in the sheriff’s return.”

Ganito ang ilan sa mga naging reaksiyon ni Presidential Commission on Good Government (PCGG) chairman John Agbayani sa eksklusibong panayam sa kanya ng GMA News kaugnay ng isyu hinggil sa nawawalang Picasso painting, na umano’y namataan sa tahanan ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagkaroon ng sagutan sa pagitan nina dating PCGG chairman Andres Bautista at kasalukuyang tagapagsalita ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez ukol sa nasabing likhang-sining. Hinamon ni Rodriguez si Bautista na bumalik sa Pilipinas upang dito umano patunayan ang kanyang mga alegasyon.

“What I said was, please feel free to come home if you think you have the necessary tool or tools to make in person your allegation, and I think it is also a good opportunity for Filipinos to make you account for what you did ‘nung 2016 election. Gusto ko ring malaman ano ‘yung mga naglabasan noon na mga resibo diumano at ‘yung napakaraming bank accounts mo,” saad ni Rodriguez.

Samantala, nang tanungin ng GMA news team si PCGG chairman Agbayani kung magsasagawa umano ang mga ito ng mga muling pagsusuri sa nasabing painting sa bahay ni Marcos, sinabi nitong hindi raw nila kailangang isapubliko anuman ang kanilang magiging susunod na hakbang.

“That’s an activity which should not be publicized, because you’re looking for something,” saad ni Agbayani.

“That’s why I said the implementation of whatever writ may be issued by the courts would no longer be effective because of the publicity and noise about it,” dagdag pa ng PCGG chairman.

Bagaman hindi tahasang sinagot ni Agbayani ang tanong, sinuguro naman nito na gagawin nila ang kanilang tungkulin nang naaayon sa mandato ng batas.

“We can do it discreetly if you want. If you ask me whether we will do something to visit the place etc., I’m sorry we will not tell you what we’re going to do,” saad ng PCGG chairman.

“I’ll just assure you that the PCGG is still committed to performing its mandate on recovery,” dagdag pa ni Agbayani.

Source: GMA News, GMA news

Leave a Reply