Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

PCSO, Gawing Pribado na lang ayon kay Senador Gatchalian!

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa pagapatigil sa operasyon ng lahat ng larong sugal ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) dahil sa malawakang katiwalian sa naturang ahensiya, iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian na gawing pribado na lang ang PCSO.

Ayon sa mambabatas, sa pamamagitan ng pagsasapribado sa ahensiya ay malalabanan daw ang korapsyon. Sigurado din daw na ang kita ng ahensiya ay mailalaan ng maayos sa dapat nitong mapuntahan.

“I-privatize na lang ang operation ng PCSO. Sa ganitong paraan, pwedeng ipagpatuloy ang operation ng lotto, maiiwasan at matitigil na ang corruption sa gobyerno, at magkakaroon pa ang gobyerno ng siguradong kita na magagamit sa pagtulong sa mga kapos-palad nating kababayan,” sabi ni Senador Gatchalian.

Base pa sa suhestiyon ng senador, kung sakaling maisapribado ang PCSO, dapat ay didiretso sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nalikom na pera ng ahensiya. Sa ganitong paraan daw ay maayos na makakarating sa mga kababayan natin ang tulong.

Para naman kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, maari pa rin daw magbukas ang mga prangkisa ng mga palaro ng PCSO basta masawata lang ng pamahalaan ang korapsyon sa loob ng ahensiya.

“I think he (Duterte) is shutting down the franchises. It can always open once the corruption is unearthed and cleansed,” pahayag ni Senador Sotto.

Matapos ang naging kautusan ni Pangulong Duterte na ipasara ang lahat ng lotto outlets sa bansa noong Hulyo 26, pumalo na sa libo-libong mga outlets ang naipasarado na ng kapulisan. Magugunita na nagbanta rin si Pangulong Duterte na aarestuhin ang sinumang lalabag sa direktiba.

“The order of the President for the PNP to help the implementation of his declaration that lotto and other PCSO-licensed games as illegal was 100 percent complied in Metro Manila as of 11 p.m. Saturday,” sabi ni National Capital Region Police (NCRPO) Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Source: ABS-CBN | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén