Local News

PCSO Officials, Nagsalita na sa Pagpapahinto ni DU30 sa Lotto Operations!

Nagbigay na ng pahayag ang mga opisyales ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos iutos kagabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipahinto ang mga laro at kanselahin ang mga lisensiya at prangkisang ibinigay ng PCSO sa mga operators.

Ayon sa mga opisyal ng ahensiya, aapela sila sa Pangulo para maipagpatuloy ng PCSO ang mga palaro nito.

“Pursuant to the order of the President suspending PCSO gaming activities, the PCSO board directs compliance to said instruction until further notice. Rest assured that PCSO shall appeal to the office of the President with the resumption of the conduct of all games to PCSO’s mandate and for the interest of the PCSO, its agents, and its beneficiaries. “ sabi ng opisyales ng PCSO.

Inabisuhan din ng PCSO ang mga manlalaro nito na itabi muna ang mga nabiling tickets at maghantay ng anunsyo mula sa kanila.

“To our valued customers, please be advised that our PCSO games are suspended pursuant to the directive of President Rodrigo Roa Duterte. All players with advance play tickets are advised to keep their tickets until further notice. Thank you,” dagdag pa ng PCSO official.

Ipinatigil kagabi ni Presidente Duterte ang mga lotto games ng PCSO dahil umano sa labis na korapsyon sa ahensiya. Inatasan na rin ng Pangulong Duterte ang mga kapulisan at kasundaluhan na arestuhin ang mga lalabag sa direktiba.

“I have today ordered the closure the stoppage of all gaming schemes of whatever nature, however done that got their franchises to do so from the PCSO. The ground is massive corruption involving all… I am ordering the PNP chief Albayalde to arrest anybody and those also for the military, si (Armed Forces chief of staff Benjamin) Madrigal, to arrest people engaged in gambling activities in connected with the franchises, licenses and concessions granted by the PCSO,” pahayg ng Pangulong Duterte sa isang recorded message kagabi.

Source: PCSO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén