Local News

Handang Lechon sa Birthday ni PDU30, Binatikos!

Hindi tinanatanan ng mga kritiko si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahit sa kaarawan nito.

Binabatikos kasi ng ilang kritiko ang diumano’y pagpapanggap ni Pangulong Duterte na may simple itong handaan matapos kumalat ang video kung saan may kasamang lechon sa handa ni Pangulong Duterte.

Sa naturang video, mpapansin ang iba pang pagkain sa kaarawan ng Pangulo na hindi nakita sa litratong ibinahagi ni Senador Christopher “Bong” Go sa media.

Ilan sa mga personalidad na bumoladas sa handang lechon ni Pangulong Duterte ay sina dating Senador Antonio Trillanes IV at Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite.

“Huli ka! Manloloko! #BudolBudol” sabi naman ni Trillanes.

“Acting poor for your birthday photo ops when you’re not really poor is just mocking those who truly have nothing to put on their tables for their own birthdays,” ani Gaite.

Ipinagtanggol naman ng ilang kababayan natin ang handang lechon ni Pangulong Duterte.

“As a retired Lechonologist, I am offended that wokes and Dilawans have politicized having lechon, our national dish,” sabi ni Atty. Darwin Canete.

Binanatan naman ni Senador Go ang bumabatikos sa handang lechon ni Pangulong Duterte. Ayon sa dating Special Assistant to the President, 15 katao ang magsasalo-salo sa handa ni Pangulong Duterte.

“Presidente ‘yan. Ayaw n’yo ba pakainin man lang ng pagkain na kinakain naman ng ordinaryong Pilipino kahit saan…kahit man lang sa kaarawan niya? Sa mga bumabatikos kay Pangulo, tingin kayo sa salamin. Mas cute pa ang lechon sa inyo… Per PRRD, labinlimang apo at kasambahay ang kumain. Ano pala ipapakain nya?,” ani Senador Go.

Source” Trillanes

Leave a Reply

Theme by Anders Norén