Local News

PDU30, Hindi Susuportahan si Pacquiao para maging Presidente ayon sa Politiko Source

Base sa source ng news website na Politiko, hindi susuportahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang napapabalitang presidential bid ni Manny Pacquiao.

Ayon pa sa source, nagkaroon ng pagpupulong ang dalawa dahil gusto daw hingin ni Pacquiao ang basbas ng Presidente. Dito daw sinabihan ni Pangulong Duterte si Pacquiao na masasayang lang ang pera nito kung ito ay kakandidato sa pagka-presidente.

Sinabi din daw ni Pangulong Duterte kay Pacquiao na ang susuporthan niya ay sina Senador Bong Go at ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte, kung sakaling kakandidato ang mga ito. Umalis daw sa pagpupulong si Pacquiao na dismayado.

Matatandaang 2 beses inendoroso noon ni Pangulong Duterte si Pacquiao para maging presidente. Kamakailan lang ay sinabi din ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa si Pacquiao sa posibleng suportahan ni Pangulong Duterte kung hindi tatakbo sa pagka-presidente si Senador Go.

Magugunita na noong unang bahagi ng Marso ay umalma si Pacquiao sa resolusyon ng ilang miyembro ng PDP-LABAN party kung saan hinihikayat nila si Pangulong Duterte na kumandidato sa 2022 para bise presidente.

“Hindi legitimate ‘yung resolution na ginawa. Nalaman ko lang ‘yun dahil sinabi sa’kin ng tao ko… Hindi ko alam ‘yun. Hindi ‘yun sanctioned as acting president ng partido… Aaksyunan namin ‘yang mga ganiyan na hindi sumusunod sa partido… Si (Energy Secretary) Alfonso Cusi, hindi ako nakikipag-away sa iyo pero hindi ako ang pwede mo lang laruin… Kung umiikot ka, pulitika pinag-uusapan mo, ‘wag mong lasunin ang mga utak ng mga miyembro ng partido para magkahiwa-hiwalay. Warning lang ito,” boladas ni Pacquiao.

Si Pangulong Duterte at si Pacquiao ay parehong bahagi ng PDP-LABAN.

Source: Politiko | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén