Local News

PDU30, Inaprubahan ang Bonus para sa Contractual Workers at Job Orders sa Gobyerno!

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Administrative Order No. 20 noong Enero 10 kung saan mabibiyayaan ng bonus na aabot sa P3,000 ang mga contract of service workers at job orders na nagtatrabaho para sa gobyerno.

“Granting a year-end gratuity pay to JO (job order) and COS (contract of service) workers is a well-deserved recognition of their hard work,” sabi ni Pangulong Duterte.

Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Duterte, ang mga job order and contract of service workers lang ng hindi bababa sa 4 na buwan ang maaari lang makatanggap ng gratuity pay na hindi hihigit sa P3,000.

Ang mga nakapagserbisyo naman ng 3 buwan ay makakatanggap ng P2,000 habang ang mga nakapagtrabaho ng 2 buwan ay may matatanggap na P1,500. Sa mga trabahador na hidi umabot ng 2 buwan ay mabibigyan naman ng P1,000.

Pasok sa bonus ang mga job order and contract of service workers sa local water districts, government-owned or –controlled corporations, state universities and colleges, at national government agencies. iInihikayat din ng Malacañang ang mga local government unit magbigay din ng gratuity pay sa mga JO at COS nito.

Magugunita na noong nakaraang taon ay nagbigay ang pamahalaan ng Service Recognition Incentive na nagkakahalaga ng P10,000 sa mga civilian at military personnel ng executive department.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén