Local News

PDU30, Inutusan ang Philhealth na Gawing Boluntaryo ang Pagbabayad ng OFW!

Kamakailan lang ay umalma ang mga kababayan nating Overseas Filipino WOrkers (OFWs) dahil sa 3% kakaltasin sa kanilang sahod para mailaan sa premium contribution sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Ngayong araw ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Philhealth na gawing boluntaryo lang ang paniningil nito sa mga OFWs.

Pinaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa siya sa mga may akda ng Universal Health Care Bill noong kongresista pa lamang siya. Pero nilinaw nito na hindi kasama sa isinulong niyang batas ang pagpapataw ng napakalaking halaga sa mga OFWs kundi ito ay kagagawan lamang ng Philhealth.

“Alam niyo po ang masasabi ko lang, wala po sa batas na aking isinulong na nagsasabi na dapat ipataw ‘yung ganitong hirap sa mga OFWs… Wala po sa batas yan, yan po’y nasa Implementing Rules and Regulations ng PhilHealth at ang namuno po sa pagsulat ng Implementing Rules and Regulations ay PhilHealth mismo,” ani Roque.

Sa ilalim kasi ng PhilHealth circular na may petsang Abril 2, lahat ng OFWs na may buwanang sahod na P10,000 hanggang P60,000 ay kailangan magbayad ng 3% kontribusyon.

Halos umabot sa 300,000 ang OFWs na pumirma sa petition na i-repeal ang naging hakbang ng Philhealth. Giit ng mga OFWs, apektado ng covid-19 ang kanilang trabaho.

Hindi rin nagustuhan ni Foreign Affairs Secretary Teddy “Boy” Locsin ang pinataas na premium contribution ng Philhealth. Ayon sa Kalihim, ito ay pahirap sa mga OFWs.

“It is like an income tax which was abolished for OFWs and even their tax-free income filings were destroyed. They are just totally out of the purview of government exactions which they will not benefit at all… After the abolition of the income tax on OFWs, they’ve figured another way to tax you for the great privilage of being born Filipino, poor and jobless at home. Let’s all sing for nothing. Why don’t we just leave OFWs alone except to help them when they are in trouble. Their blood but better wages abroad account for 10% of our GDP according to the a**** who want to take some of their earning,,” banat ni Locsin.

Source: PTV | ABS-CBN | Inquirer | Inquirer | News5 | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: