Local News

PDU30, mas Gusto pa rin maging VP si Marcos kaysa kay Robredo!

Mas gusto pa rin da ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maging bise presidente si former senator Bongbong Marcos kahit na ibinasura na ng korte suprema ang electoral protest nito laban sa pagkapanalo ni Leni Robredo noong 2016 elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kahit na nanalo na sa Korte si Robredo ay hindi nagbabago ang opinyon ni Pangulong Duterte sa kapasidad ni Robredo na mamuno ng bansa.

“I think the preference remains, but the fact is the vice president has become the de jure vice president,” sabi ni Spox Roque.

Magugunita na hiniritan ni Pangulong Duterte ang kapasidad ni Robredo na mamuno nang sumawsaw ang bise presidente sa naging pahayag niya tungkol sa Visiting Forces Agreement (VFA).

“You are not really qualified to run for president. You do not know your role in this government… She should not be opening [her] mouth when [the administration is] negotiating… I think you need a refresher course sa law. That is my advice to you,” banat ni Pangulong Duterte.

Matatandaang gustong singilin ni Pangulong Duterte ang mga Amerikano para ipagpatuloy ang VFA sa Pilipinas.

“I would like to put on notice if there’s an American agent here, that from now on, you want the Visiting Forces Agreement done? Well, they have to pay. It’s a shared responsibility, but your share of responsibility does not come free. Because after all, when the war breaks out, we all pay. You, kami, we are nearest to the garrison there where there are a lot of arsenals of the Chinese armed forces… Kaya tandaan nila ‘yan. I hope they would understand that we are a nearest to a theater of war. Ang banatan diyan it could be submarines and aircraft carriers and all. Madadamay talaga tayo. I do not want to participate in any adventure of that kind, if I can help it. I am not against the Chinese, neither am I a — ako, hindi ako pro-American. I am just a Filipino government worker working for the interest of my country,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Source: Manila Times | Archive | Inquirer | RTVM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén