Local News

PDU30, Nagbanta ng Mala-“Martial Law” na Quarantine!

Sa kanyang public address ngayong gabi, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipinahahanda niya na ang mga kasundaluhan at kapulisan upang magpatupad ng mas istrikto na social distancing at curfew. Gagawin daw ito ng Presidente kung patuloy ang kawalang-disiplina ng ilang mamamayan.

“I’m just asking for your disiplina, Kasi pag ayaw ninyo, ayaw ninyong maniwala, magtakeover ang mga military pati pulis. Iam ordering them now to be ready. Ang pulis, pati military ang mag-enforce sa social distancing at ‘yung curfew. Sila na. Parang martial law na rin. Mamili kayo. Ayaw ko, pero pagka naipit na ‘yung bayan at walang disiplina kayo,” sabi ni Presidente Duterte.

Kanina ay binunyag na ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa sa mga tinitignan na hakbang ng gobyerno pagpapatupad ng total lockdown.

“Nung huling press briefing ko po pinaanunsyo sa akin na fake news po yung kumakalat nang balita na magkakaroon ng total lockdown. Pero hindi po fake news na kinukunsidera ang total lockdown lalong lalo na kung magpapatuloy yung mga pasaway sa ating mga kalsada… Wag na po natin pahabain pa itong ECQ. Tumupad na po tayo sa ating obligasyon at kakaunting panahon na lamang po ang natitira sa ating ECQ. Isang linggo. Konting tulog na lang po ito. Pagtiyagaan na po natin… Pero pag hindi po natin napa-flatten ang curve, hindi natin nabawasan ang mga kaso ng COVID, syempre po isa yan sa option na ikukunsidera,” paliwanag ni Roque.

Source: GMA News | PCOO via GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén