Local News

PDU30, Pinabaklas ang mga ‘Thank You’ Posters para sa Kanya sa Boracay

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipatanggal ang mga banners at posters na nagpapasalamat sa Presidente sa paglinis at pagpapa-rehabilitate sa Boracay. Base pa sa kwento ni Puyat, hindi raw nagustuhan ng Pangulo ang mga papuri at naisawa pa umano ang punong ehekutibo.

“I saw a post – someone sent it to me – which says, ‘Thank you PRDD for Saving Boracay’… He said that is corny. He doesn’t like it. He doesn’t want to be glorified,”ani Puyat.

Ang Boracay Island ay magbubukas ngayon buwan matapos ang 6 na buwan na pag-rehabilitate sa isla. Matatandaang tinawag ng Pangulo na “cesspool” ang top tourist destination ng bansa dahil sa maruming sewage at piping system. Ilang ulat ang nagsabi na mataas ang coliform bacteria level sa isla. Ang coliform bacteria ay karaniwang nagmumula sa dumi ng mga tao at hayop.

Base sa pahayag ng ilang kababayan natin, hindi na raw bago kay President Duterte ang ginawa nito. Kahit daw kasi sa Davao City, kung saan naging alkalde ito ay hindi niya ipinalalagay ang kanyang litrato sa mga proyekto ng lungsod. Ang ilang netizens naman ay ikinatuwa ang lideratong ipinakita ni Pangulong Duterte sa pagpalilinis ng Boracaay.

Source: Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén