Local News

Panoorin: PDU30, Tinanggap na ang “Sorry” ng ABS-CBN!

Matapos humingi ng paumanhin ang network giant na ABS-CBN kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa senate hearing ng kanilang prangkisa, nagsalita na ang Presidente at tinanggap ang kanilang pahayag.

“I accept the apology. Ibigay na lang nila (ang P2.6 million) sa any charitable institution of their choice,” sabi ni Pangulong Duterte.

Iginiit ni Pangulong Duterte na dapat sa kongreso o sa mababang kapulungan magmula ang franchise renewal ng Kapamilya network. Nilinaw din ng Presidente na hindi siya mangingialam sa mga gagawing hakbang ng kongreso ukol sa prangkisa ng media giant.

“Wala akong kinausap. Magtanong kayo. There are about 200 of them (congresssmen) and you can ask anybody. And if there is a congressman that would say.. If it is true, I will resign. I never, never, never really called anybody about this, even before. Wala akong kinausap na tao dito,” paglilinaw ni Pangulong Duterte.

Paliwanag naman ni Pangulong Duterte tungkol sa paghahain ni Solicitor General Jose Calida ng quo warranto sa Korte Suprema laban sa prangkisa ng ABS-CBN, hindi niya daw mapipigilan si SolGen Calida sa mga hakbang nito.

Magugunita na noon ay nagsalita si Pangulong Duterte na hahadlangan niya ang pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN. Noong huling bahagi pa nga ng 2019 ay sinabihan niya pa ang mga may-ari ng ABS-CBN na ibenta na lang ang network nito.

Source: News5 | News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén