Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Tinanggal ang Drug Competition, Baka Kasabwat ni DU30 ang mga Druglords”- Trillanes

Sa gitna ng mainit na isyu kasunod ng pagsibak sa pwesto kay dating Bureau of Corrections Nicanor Faeldon kaugnay ng usapin sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, ilang mga opinyon ang binitawan ni Senator Antonio Trillanes IV sa isang panayam sa kanya ng Abante News Online.

Ayon kay Trillanes, hindi na umano siya nagugulat na kung saan pumunta si Faeldon ay nagkakaroon umano ng “kapalpakan”. Kaya umano nila ito in-expel sa kanilang grupong Magdalo noong 2006 ay dahil iba raw ang takbo ng pag-iisip ni Faeldon noon pa man.

“Pero dito sa kaso na ‘to, na-mention niya sa akin November 2018 lang pala siya nag-assume pero almost 2000 ‘yung napalabas niya. Ngayon ang mga katanungan dito, sino ba talaga ang nag-utos dito? Magkano ba talaga? Nagkabayaran ba talaga? Ano ba ‘yung sistema, kalakaran diyan? Tapos, bago nadiskubre ito dahil kay Sanchez, umalma ‘yung mga tao, marami nang napalabas. ‘Yun pala may lumabas na apat na Chinese na drug lords. So baka ‘yun ‘yung mga target dito at saka ‘yung iba pang drug lords,” pahayag ni Trillanes.

Binatikos rin ni Trillanes ang programa ng pamahalaan na “Giyera Kontra Droga”.

“So dito mo makikita na peke itong ‘War on Drugs’ ni Duterte,” dagdag pa ng Senador.

Saad pa ni Trillanes, ganun-ganun lamang daw kung patayin ang mga suspected drug users kahit hindi pa raw sumasailalim ang mga ito sa drug test, habang ang mga drug lords daw na nasintensiyahan na at talagang nagdadala ng droga sa lipunan ay pinalaya. Lalo umanong makakagawa ang mga ito ng pagpapalaganap ng ipinagbabawal na gamot.

“So ang tanong dito, baka magkakasabwat itong mga ito, nila Duterte,” ani Trillanes.

“Ako iyan ang teorya ko noon kasi ang ginawa niya, una muna hinabol muna nila ‘yung mga laboratorya rito, pinatay muna nila ‘yung mga shabu laboratory rito. Then, nung wala nang kumpetensiya, pinapasok na nang tone-tonelada ang shabu sa Customs. Eh diba, sabi ko nga eh, kung totoong galit ito sa droga, at pinapatay niya ‘yung mga suspected pushers, users, sinong drug lord ang magsasapalaran ng bilyun-bilyong kapital para palulusutin mismo sa Customs at nakakalusot ah?”, saad pa ni Trillanes.

“At hindi nahuhuli ah. Sino’ng drug lord ang gagawa nun? Ang gagawa lang nun, ‘yung drug lord na siguradong mailulusot niya ‘yung kanyang mga produkto dahil meron siyang backer na malakas,” dagdag pa ng Senador.

Source:
Abante News Online

Leave a Reply

Theme by Anders Norén