Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Lotto Result

Pekeng “Bikoy” iyan! Gugulhin niya lang ang Imbestigasyon! – Thinking Pinoy

“Umamin na manloloko tapos paapaniwalaan niyo?,”

Diskumpiyado ang pro-government blogger at radio host na si RJ Nieto o mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy sa paglantad ni Peter Joemel Advincula.

Si Advincula ay humarap sa media ngayon araw para sabihing siya si alyas “Bikoy”, ang taong nagsasalita sa video na “Ang Totoong Narco List” na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay ThinkingPinoy, lumubas lang daw itong si Advincula para guluhin ang imbestigasyon sa paghahanap sa mga taong sangkot sa mapanirang Bikoy Videos.

“Feeling ko talaga ay pautot pero pagbigayan natin. Una, si Peter Joemel Advincula admitted that he is convicted for estaffa in 2012… So, basically ang humaharap na ito ay fraudster, manloloko… Ini-stall lang nila para magkaroon tayo ng ibang pag-uusapan at ma-divert ang isyu,” sabi ni Thinking Pinoy.

Isa pa sa napansin ni Thinking Pinoy ay ang pagkakahuli kay Rodel Jayme, web developer ng Metrobalita.net, ang unang website na nag-upload ng Bikoy video. Hindi daw kasi maganda ang nangyari kay Jayme dahil naapektuhan ang imahe ng Liberal Party dahil sa mga larawang lumabas sa social media.

“Matinding hit sa Liberal Party ang pagkakabulatlat kay Rodel Jayme at bukod pa doon, kanta pa ng kanta si Rodel. Ang kanta niya pang-concert. Ang point kailangan i-divert ang atensyion from Rodel to Bikoy,” ani Thinking Pinoy.

Napuna din ni Thinking Pinoy ay ang pagkakasangkot ni Advincula sa mga kasong estafa kung saan ang mga biktima ay mga nagta-trabaho sa industriya ng beauty pageant.

“Kung ikaw ay dating miyembro ng drug syndicate, mamumublema ka sa pera para mang-estafa ka pa? Tapos beauty pageant pa ang in-estafahan mo? Sana man lang kung ang in-estafa mo ay yung mga bayad sa drug lord pero beauty pageant i-estafahan mo?,” dagdag pa ni Thinking Pinoy.

Source: ThinkingPinoy

Leave a Reply

Theme by Anders Norén