Local News

Permit to Operate ng Third Telco, Binigay na ng DU30 Govt!

Ipinagkaloob na ng Duterte Government ang Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) sa Mindanao Islamic Telephone Co. (Mislatel). Ang CPCN ay ang magiging daan para makapagsimula na ng operasyon ang kumpanya bilang pangatlong telecommunications player sa Pilipinas.

Pinangunahan ni Presidente Duterte ang pagtitipon sa Malacañang at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) naman ang nag-abot sa Mislatel ng CPCN. Ang Mislatel ay consortium o organisasyon ng mga kumpanya tulad ng Udenna Corporation ni Davao businessman Dennis Uy at ng China Telecommunications Corporation.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, babaguhin sa DITO Telecommunity Corporation ang pangalan ng Mislatel. Inaasahan din na makikipag-sabayan sa mga major telecommunications company ang bagong player, tulad ng Globe Telecoms at Smart Telecommunications.

“More than a year ago, I directed government agencies to commence the selection and assignment of a radio frequency for a new telco player to solve our Internet woes. Today, I am glad to announce the entry of a new player that will take on the challenge of competing against the existing players in our country’s telco industry. This new player is the Mindanao Islamic Telephone Company or Mislatel Consortium,” sabi ni Pangulong Duterte.

Base sa panayam kay DICT Undersecretary Eliseo Rio, inaasahan daw nila na makakakuha ang DITO Telecommunity ng mga unang subscribers sa Nobyembre ngayong taon. Ang mga lugar tulad ng Cebu, Davao at Metro Manila ang magiging pilot areas, kung saan madadami ang mga tao.

“Siyempre maguumpisa ‘yan na pilot-pilot [testing] muna ‘yan. Then they readjust kung may problema pa ang network nila. They will only go to a commercial operation pag wala nang problem sa network nila. Sa timeline nila that is 2020,” sabi ni Rio.

27 megabits per seconds (Mbps) sa 37% ng populasyon ng Pilipinas ang gustong ibigay ng DITO Telecommunity sa unang taon ng operasyon nito.

Noong 2018, pumalo lang sa 15.06 Mbps ang naitalang Speedtest report para sa ating bansa. Mababa ito sa global average na 26.12 Mbps.

Isa sa ipinangako ni Pangulong Duterte ay ang pagpapa-unlad ng telecommunications services sa Pilipinas. Gagawin ito sa pamamagitan ng pagpapasok ng bagong telco player sa bansa.

Panoorin ang kaugnay na ulat ng PTV noong Hulyo 6.

Source: CNN Philippines | PTV | RTVM via Malayang Pilipino

Leave a Reply

Theme by Anders Norén