Local News

Petisyon Upang Kanselahin ang Kandidatura ni Bongbong Marcos, Umabot na sa Korte Suprema!

Iniakyat na ng mga petitioners sa Korte Suprema ang kanilang petisyon para kanselahin ang kandidatura ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkapangulo. Ito ay matapos ngang ibasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng petisyon na kumukwestiyon sa kandidatura ni Bongbong Marcos.

Ayon sa ulat ng News5, nakasaad umano sa petition for certiorari na inihain ng mga petitioner ang pagpapakansela sa Certificate of Candidacy (COC) ni Marcos. Saad ng mga umaapela, ang mga hindi tamang representasyon o ang mga maling impormasyon umano sa COC ni Marcos ang dahilan upang ipawalang-bisa ito, kaugnay ng isyu ng hindi umano paghahain ni BBM ng Income Tax Return (ITR).

Dagdag pa ng abogado ng mga petitioner na si Atty. Ted Te, convicted umano si Marcos at ito raw ay malinaw na katotohanan.

“Di nila pwedeng i-deny ‘yun. Dahil sa conviction niya, automatic ang perpetual disqualification. Kaya nung sinabi niya na hindi siya perpetually disqualified, hindi totoo ‘yun,” saad ng abogado.

“Kapag ang isang kandidato ay hindi eligible, kahit na makuha pa niy ang pinakamataas na boto, hindi pa rin siya dapat tumakbo, kasi ang epekto ng kanselasyon ng COC, hindi siya naging kandidato ever,” dagdag pa ni Atty. Ted Te.

Hiniling ng mga petitioner na maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order upang ipahinto ang canvassing ng kongreso. Ang Kongreso ang siyang magsisilbing national board of canvassers at magpoproklama sa magiging bagong Presidente ng Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na naresolba na umano sa COMELEC ang nabanggit na petisyon.

“We have yet to receive a copy of the petition that was filed this morning. However, I think these cases have been resolved unanimously by the Commission on Election on the division level, as well as the Commission on Election en banc, and these cases have been dismissed and the decision was unanimous,” saad ni Rodriguez.

“I appeal to those who keep on pursuing this divisiveness, the people have spoken, and an overwhelming majority has voted for Bongbong Marcos and Inday Sara Duterte into office. I appeal to you, instead of pushing for your agenda of animosity, eh tulungan niyo na lang muna kami na pagtuuan at gamitin natin ang ating limitadong oras araw araw, allow us to be more productive and learn to respect the will of the Filipino people,” dagdag pa ng tagapagsalita ni Marcos.

Source: News5, Inquirer

Leave a Reply