Local News

Philhealth Official, Nagdiwang ng Birthday kahit Office Hours at may Sumasayaw pang Dancer!

Ipinakita ni Senador Richard Gordon sa isang video ang hindi tamang ugali ng isang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Region 4.

Sa pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee, siniwalat ni Sen. Gordon ang isang video kung saan makikita si PhilHealth Regional Vice President (Region IV-B) Paolo Johann Perez na nagdidiwang ng kanyang kaarawan sa loob ng tanggapan habang oras ng trabaho.

Ang matindi pa dito ay may babaeng nakasuot lang ng bra ang nagsasayaw sa harap ni Perez.

“On his birthday, Perez received a gift, an enormous box, in his office. A girl, dressed in nothing but her underwear, danced and gyrated provocatively in front of Perez… Perez enjoyed the performance and was seen smiling in the video. He did not prevent the incident, or report and issue any reprimand to the employees who brought the girl,” sabi sa committee report.

Si Perez ay isa sa mga tinaguriang miyembro ng “Mafia” sa Philhealth.

Nangako naman si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na titiyakin niya na mananagot ang mga indibiduwal na nasa likod ng korapsyon sa Philhealth.

“Huwag kayong magkakamali, itong PhilHealth. Sabi ko, yayariin ko kayo. Maniwala kayo. Yung mga inosente naman wala kayong dapat i-ano, tahimik lang kayo at continue working,” banta ni Pangulong Duterte.

Source: Kat Domingo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén