Local News

Pilipinas, Inimbitahan na Maghanap ng Oil at Gas sa Russia!

Matapos imbitahan ni Pangulong Duterte ang Russia na galugarin ang oil at gas dito sa Pilipinas, pag-anyaya rin ang isinukli ng Russia sa pangunguna ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev para sa isang “joint oil and gas exploration”.

“We also invite Filipinos, the Philippine companies, to explore oil and gas in Russia together with Russian companies…not only here in the Philippines but in Russia as well on a mutually beneficial, reciprocal basis,” saad ni Khovaev sa isang media forum (In Focus) nitong Sabado sa Quezon City.

Ayon kay Khovaev, kung pupunta umano ang iba’t ibang kumpanya mula sa Russia patungong Pilipinas para sa oil exploration, maaari rin daw gawin ang parehong bagay ng Filipino firms sa kanilang bansa.

Samantala, binigyang-diin din ni Khovaev na higit umanong mahirap ang paggalugad ng oil at natural gas dahil na rin sa kondisyon ng klima sa Arctic, subalit mayroon naman daw pinakamakabagong teknolohiya ang Russia para rito.

Dagdag pa ni Khovaev, maituturing na pinaka-safe ang “nuclear technology” ngunit nakasalalay pa rin umano sa desisyon ng mga Pilipino kung ano ang kanilang pipiliin. Batid rin niya umano ang pagiging sensitibo ng nasabing paksa kung ang pag-uusapan ay ang kaligtasan ng lahat.

Sa nakaraang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Russia, nilagdaan ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi ang isang partnership sa Rosatom, isang Russian state corporation na nakabase sa Moscow na may espesyalisasyon sa nuclear energy, upang pag-aralan ang posibilidad ng pagtatayo ng nuclear power plants sa Pilipinas.

“Russia is building nuclear power plants in about 30 countries. Many power plants have already built and they are functioning well. No incident reported,” saad ni Khovaev.

Source:
CNN
Inquirer

Leave a Reply