Local News

Pilipinas, Kakalas na ba sa United Nation Human Rights Council?

Pinag-iisipan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy “Boy” Locsin Jr. ang posibilidad ng pagkalas ng Pilipinas sa United Nation Human Rights Council (UNHRC). Inilutang ni Locsin ang ideya na ito matapos ang naging botohan sa UNHRC kung saan 18 bansa ang pumabor na imbestigahan ang kampanya kontra-droga ng Duterte Administration kung saan libo-libong durugistang suspek ang natodas.

Ayon sa kalihim ng Foreign Affairs, dapat siguro na sundan na lang ang naging hakbang ng Estados Unidos at lisanin na ng tuluyan ang organisasyon.

“No embassy in Iceland. Nor does Iceland have an embassy here. Iceland took the place of the US after it withdrew from the Human Rights Council. I think we need to follow America more,” sabi ni DFA Secretary Locsin sa kanyang social media post.

Magugunita na noong Hunyo 2018, nagdeklara ang Estados Unidos na kakalas na sila sa UNHRC. Matatandaang tinawag pa ni US Ambassador to the UN Nikki Haley na “bias” umano ang UN laban sa Israel.

“We take this step because our commitment does not allow us to remain a part of a hypocritical and self-serving organization that makes a mockery of human rights,” sabi ni Haley.

Basahin ang komento ng ilang kababayan natin patungkol sa sinabi ni DFA Secretary Locsin. Galing po ito mula sa comment section ng Facebook page ng Manila Bulletin.

“Yes, let’s withdraw our membership from that well politicized and biased organization,” sabi ni D. Closa.

“GREAT SIR… WALA NAMAN TAYONG NAPAPALA SA KANILA,” sabi ni J. Mangaser.

“Tama yan sir. Unahin muna nima yang mga bombahan dyan sa meddle east bago sa atin. Bakit hindi hila kondinahin yang mga bansa na hanggang ngayon ay patuloy na binabagsakan ng bomba na ang daming mga batang walang kamuwang muwang ang nangangamatay? Bakit sa ngangamatay ng drugs pakikialaman nila?,” sabi ni L. Cuizon.

Source: Manila Bulletin | ABC World News Tonight

Leave a Reply

Theme by Anders Norén