Local News

‘Pinagdudahang Espiya ng Gobyerno!’ Teenager na NPA, Pinahirapan bago Pinaslang ng mga Kabaro sa Kilusan!

Huhukayin ng mga tropa mula sa Army’s 103rd Brigade (103Bde) ang labi ng 18-anyos na New People’s Army (NPA) na pinaslang ng mga sariling kasamahan 2 taon na nakakalipas. Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, pinaghinalaan daw ng mga rebeldeng komunista si Hope Capangpangan’ na espiya ng pamahalaan.

Nalaman ng otoridad ang impormasyon matapos makipagtulungan ang isang testigo sa National Intelligence Coordinating Agency – Region 10.

Kakailanganin pa raw mag-hike ng 12 oras ang mga sundalo para makuha ang ang labi ni Capangpangan.

Bago na nasawi si Capangpangan ay pinaniniwalaang pinahirapan pa ito ng mga kapwa niya NPA para paaminin na espiya ng gobyerno.

Ayon sa ama ni Capangpangan na si Ricky, napasapi daw ang kaniyang anak sa NPA noong 16-anyos pa lang ito. Gusto na raw ng dalaga na bumalik sa pamilya pero mahirap daw takasan ang kilusan.

Hindi naman napigilan ng army officer na si Harold Cabunoc na magkomento sa kahayupan ng NPA.

“irekrut bilang child warrior pero pinatay dahil sa bintang na isa syang government spy.
Asan na yong maiingay na human rights defenders na taga KARAPATAN at GABRIELA?
Bakit ang effort nila ay hadlangan ang effort ng gobyerno na ma-expose at mahadlangan ang child warrior recruitment sa lumad communities at eskwelahan?
Bakit? Bakit? Bakit?”

Source: PNA | Harold Cabunoc

Leave a Reply

Theme by Anders Norén