Local News

LARGEST Passenger Terminal Building, Bubuksan Ngayong Araw ng Gobyerno!

Malugod na ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang social media account ang pagbubukas ng PINAKAMALAKING Passenger Terminal Building (PTB) sa Pilipinas na matatagpuan sa Cagayan De Oro Port. Pasisinayanan ito ngayong araw (Hulyo 15, 2019).

Ang naturang PTB ay mayroong dalawang palapag at may lawak na 18,150 square meter. Ayon sa DOTr, sa loob ng ilang taon ay isang temporary warehouse lang ang nagagamit na pasilidad ng mga pasahero.

Ang bagong PTB ay bahagi ng Passenger Terminal Complex (PTC). Ang PTC ay mayroon ding security checkpoint facility at waiting area. Ibinida din ng DOTr ang mga x-ray scanning machine at walk-thru metal detectors na mayroon ang transport terminal. Ang bagong pasilidad ay mayroon din mga charging station, parking and ticketing office, at field office.

Ang impormasyon na ibinahagi ng DOTr patungkol bagong proyekto na natapos ng gobyerno ay ikinalugod ng ilang kababayan natin. Ito po ang ilang sa kanilang mga komento at reaksyon.

“Ang galing talaga ..ang ganda pa ng architectural designs …iba mag malasakit ang DOTR…sana po hindi lang 30 years minimum lyf span ng mga buildings …Thank you at congratulations,” sabi ni C. Condino.

” Sumusobra na kayo Dotr.. okay pasubrahan nyo pa!😅😅. Good DOTR and this government has a mindset of quality, competence and service to its people and nation. It will come a time that other countries or the whole world will respect us. We really need badly all these infrastructures and development. Go first world!,” sabi ni CJ. Jagonia.

“Wow ang bilis ng mga project tlga nkkhanga congrats s mga ktuwang ng pangulo s lhat ng adhikain nya at sa DOTR n wlng kpgurad s pag totok sa mga proyekto ng governo ,mabuhay kau,” sabi ni R. Castil.

” Gnda …..sana magkaroon po tayo ng mas malaking port para sa mga big ship like carnival na makadaong sila para sa mas maraming tourist sa bansa pa.god bless philippines,” sabi ni P. Logrosa.

“CONGRATULATIONS TO ALL OF US FOR JOB WELL DONE.
CLAP!!! CLAP!!! CLAP!!!
BRAVO!!! BRAVO!!! BRAVO!!!,”
sabi ni D. Lorenzo.

Source: DOTr | DOTr

Leave a Reply

Theme by Anders Norén