Local News

Pinapasok ni DU30 ang Bagong Variant ng Virus! Leftist Group Anakbayan, Pumutak!

Ngayong gabi ay kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon ng naitalang kaso ng bagong variant ng covid-19 dito sa ating bansa. Ito ay galing sa isa nating kababayan na umalis ng bansa patungong Dubai noong Disyembre 2020 at bumalik sa Pilipinas nito lang Enero.

Matapos lumabas ang balita na ito ay agad sinawsawan ng leftist Group na Anakbayan ang isyu. Ayon sa grupo, ang Pangulong Rodrigo Duterte daw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng bagong variant ng covid sa bansa.

“BREAKING: Kinumpirma ng Department of Health at Philippine Genome Center ang pagtuklas ng B.1.1.7. SARS-CoV-2 (UK variant) sa bansa.
Ito ay matapos makuha ang mga sample mula sa isang Pilipino na dumating mula UAE noong Enero 7 na nagbigay ng positive genome sequencing results.
Pinapasok ni Duterte ang bagong variant ng virus dahil sa bulok na COVID-19 response! Panagutin sa kriminal na kapabayaan si Duterte!” boladas ng Anakbayan.

Source: Anakbayan

Leave a Reply

Theme by Anders Norén