Local News

Pinas, Magkakaroon na ng “World’s Fastest Cruise Missile”!

Inanunsyo ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na may magaganap na contract signing sa unang bahagi ng susunod na taon para sa pagbili ng mga medium-range ramjet supersonic BrahMos cruise missiles.

Ang mga armas ay gagamitin ng Philippine Army (PA) para sa coastal defense mission. Pero maari din daw magamit ng Philippine Air Force ang mga nasabing missiels.

“Signing of the contract will be in 2020. Possibly on the first or second quarter… There is money for it as per our modernization program,” sabi ni Secretary Lorenzana.

Government-to-government mode ang mangyayaring procurement para sa mga armas.

Ang supersonic BrahMos cruise missiles ay ginawa ng bansang India at Russia.

Sa artikulo ng Indian Express, inilarawan nila ang supersonic cruise missile na pinakamabilis sa mundo.

“The fastest supersonic cruise missile in the world–the Brahmos– created history on Wednesday when it was successfully test-fired for the first time from an Indian Air Force’s Sukhoi-30 MKI fighter aircraft against a sea-based target in the Bay of Bengal,” ayon sa Indian Express.

Ang pagbili sa nasabing armas ay kasama sa Horizon Two ng Revised Modernization Program ng Armed Forces of the Philippines na may budget na P300 billion.

Source: Philippine News Agency | Indian Express

Leave a Reply