Local News

Pinas, Pasok sa TOP 10 sa World Rankings for Budget Transparency!

Nailista ang ating bansa sa ika-7 na pwesto mula sa 117 na bansa sa world rankings for budget transparency, isang survey na isinagawa ng global organization International Budget Partnership (IBP).

Kasama ng Pilipinas sa ika-7 na pwesto ay ang Estados Unidos at Peru. Ang lahat ng bansa sa ika-7 pwesto ay may 76 points.

Ang pinakauna naman sa listahan ay ang mga bansang New Zealand at South Africa na may 87 points.

Sumunod ay ang Sweden na may 86 points. Habang nasa pangatlo naman ang Mexico na mayroong 82 points.

Ang Georgia at Brazil naman ay kapwa may 81 points ay nasa pang-apat na pwesto.

Ang Norway ay nasa ika-5 (80 points) at ang Australia ay nasa ika-6 (79 points).

Sumunod sa pwesto ng Pilipinas, Amerika at Peru ay ang Dominican Republic na nasa ika-8 pwesto (75 pts).

Ang Russia at France ay naghati sa ika-9 na pwesto at parehas mayroong 74 points.

At ang nasa pang-10 na pwesto ay ang mga bansang Canada, Bulgaraia at Italy may 71 points.

“A country’s budget transparency score, reflected on the Open Budget Index, assesses the public’s access to information on how the central government raises and spends public resources. A transparency score of 61 (out of 100) or higher indicates a country is likely publishing sufficient material to support informed public debate on the budget. In OBS 2019, the global average transparency score is only 45 out of 100. Nearly 75% of the surveyed countries score at insufficient levels,” sabi sa internationalbudget.org

Source: Philippine Star | internationalbudget.org

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: