Local News

“Imahe ng Kapulisan, Pinasasama niyo!” Kapuso Actor Derek Ramsey, Nagalit sa Media dahil sa Maling Pagbabalita!

Hindi na napigilan ng aktor mula sa Kapuso Network na si Derek Ramsey ang kabalbalan ng ilang media station natin. Ito ay may kaugnayan sa nangyaring komosyon kahapon sa DasmariƱas village Makati kung saan isang foreigner ang nangbastos sa pulis at kalaunan ay inaresto. Pero tila pinalabas ng ilang news sites na umabuso ang pulis sa kapangyarihan nito.

“Bad journalism!!! Stop making it seem that our soldiers and policemen are always the bad guys… Shouldn’t you get all the details and facts first before posting an article about the situation?” banat ni Ramsey

Kalakip ng social media post ng aktor ay ang image post ng Rappler na may pamagat na “Man in private village assaulted, nearly arrested without warrant by Makati Police”.

Ayon sa aktor, galit na galit siya sa naging ulat ng Rappler.

“I’m so angry! Hindi ko naman sinasabi na lahat ng frontliners are angels di ba? It is so one-sided, it shouldn’t be that way” ani Ramsey

Sa isang hiwalay na social media post, sinabi ng aktor na hindi porke mayaman ay mas nakakaangat na ito. Ipinagtanggol din ni Ramsey ang mga frontliners laban sa aroganteng dayuhan.

“Show respect to our soldiers and policemen… Just because you are rich and live in an expensive residential area does not make you decent or better than everyone. Kuya magbago ka na! Your arrogance doesn’t help. These men and women are fighting hard for all of us so keep you mouth shut if have nothing respectful to say,” ani Ramsey

Source: PEP

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: