Local News

Pinoy Boat Captain, Nag-Sorry kay PDU30!

Nagpaumanhin si F/B GEM-VER Capt Junel Insigne kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos lumas sa naging komento niya sa media na tila umatras siya sa nakatakdang pakikipagpulong sa Presidente. Ayon kay Insigne, hindi niya alam na si Department of Agriculture Secretary Manny Piñol pala ang dapat na makakaharap niya sa Maynila para sa isang meeting.

“Humihingi ako ng paumanhin sa ating mahal na presidente, na hindi po pala ako pinatawag niya kundi si Secretary Piñol po ang nagpatawag sa amin. Hindi po ako natuloy, umatras ako dahil masama ang pakiramdam ko,”

Kasabay nito ay humiling na rin si Insigne ng tulong sa Presidente ng Pilipinas para makamit ang hustisiya sa sinapit niya at ng mga 21 niyang kasamahang maninigsda.

Ayon kay Piñol, ang komento ni Insigne ay nagbigay ng negatibong imahe sa Presidente.

“It put the President in a bad light. Para bang inisnab niya ang presidente, eh wala namang invitation talaga… So hindi po totoo yung balita na mayroong imbitasyon ang pangulo na makipagusap sa kanila. This was a manufactured statement. By whom? I don’t know… [Insigne] admitted na medyo may mga statement siya na ayon sa kanya hindi niya alam na nasabi niya,”

Si Insigne ay naging laman ng mga balita nitong mga nagdaang araw dahil sa pagkakasangot niya sa aksidente sa West Philippine Sea kung saan siya at 21 ng kasama niyang mangingisda ay nabangga ng isang Chineses vessel.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén