Local News

Pinoy Boat Captain, Natatakot na Ma-ARESTO – BFAR Official

Kahapon ay iniulat ng ilang mainstream media na nag back out umano si Junel Insigne sa pakikipag-pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Insigne ay ang kapitan ng bangka na napaulat na binangga ng Chinese vessel sa West Philippine Sea.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) regional director Elizer Salilig, bago daw ang pagpupulong ay nagpahayag ito ng pagkatakot dahil baka ma-aresto.

“Earlier, Salilig said Junel had expressed fear that “he might get arrested or something” prior to the Palace meeting,” sabi sa ulat ng Inquirer.

Nagsalita na kahapon si Presidente Rodrigo Duterte tungkol sa insidente. Ayon sa Pangulo, hindi daw dapat na mauwi sa giyera ang isang aksidente.

“Stay out of trouble, just build on our own. Huwag muna tayong makialam. Do not allow a little maritime accident, intentional, to go to war,” pahayag ni Presidente Duterte.

Niresbakan din ng Pangulong ang ilang politiko na sumasawsaw sa nangyari sa mga mangingisdang Pilipino.

“‘Yung nangyaring banggaan, that is a maritime incident. ‘Wag kayong maniwala diyan sa mga politiko, bobo, gusto papuntahin ‘yung Navy,” buwelta ng Presidente.

Source: Inquirer | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén