Local News

Panoorin: Pinoy, Binugbog ng 4 na Katao dahil sa Coronavirus!

Nakakaranas na rin ng diskriminasyon ang ilang kababayan natin sa ibayong dagat dahil sa 2019 novel coronavirus.

Ayon sa ulat ng GMA News, sinuntok ng 4 na lalaki si Brandon Diaz at sinabihan na dapat umalis ang mga Chinese nationals sa Italy. Nagtamo si Diaz ng sugat sa ulo at katawan. Si Diaz ay nakabase sa Roma. Ang pangyayari ay inulat na ni Diaz sa embahada ng Pilipinass sa Italy.

Ibinahagi din ni Lina Reyes Gregorio ang naranasan niyang diskrimnasyon sa Italy. Ayon sa kaniyang social media post, hindi niya napigilan ang sarili at pinagsabihan ang mga taong nangungutya sa kaniya na hindi siya Tsino.

Ang coronavirus ay nagsimula sa Wuhan City, China. Sa ngayon ay umabot na sa lagpas 28,000 ang nahawaan ng sakit. Kumalat na rin ang sakit sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sa kasalukuyan, pumalo sa higit 500 katao na ang nasasawi sa China dahil sa nakamamatay na karamdaman.

Naitala kamakailan lang ang magkasintahang Tsino na nag positibo sa coronavirus sa Italy. Kasalukuyang nilalapatan sila ng lunas sa Spallanzani Hospital, isang pagamutang tumututok sa mga nakakahawang sakit.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén