Local News

“Pintuan ng Impiyerno, Pinasok ni Leni! Wala siyang Takot Magsilbi sa Bayan” Opposition’s Ex- Senatoriable

‘Pintuan ng Impiyerno, Pinasok ni Leni! Wala siyang Takot Magsilbi sa Bayan’ Opposition’s Ex- Senatoriable

Sa isang press conference kahapon ay inanunsyo ni Vice President Leni RObredo ang kanyang pagtanggap sa alok at hamon ni Pangulong Rodrigo Roa DUterte na makibahagi siya sa kampanya makontra-droga. Dahil dito magiging co-chair na si Robredo ng Interagency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na tatagal hanggang sa huling araw ng termino ni Presidente Duterte.

Ang ginawang hakbang na ito ni Robredo ay pinapurihan ng talunang kanidadato para sa pagka-senador ng Otso Diretso na si former Solicitor General Florin Hilbay.

“Natakot tayo para sa kanya. Pero siya ay walang takot na pagsilbihan ang bayan,” banat ni Hilbay.

“This is a leader who will swallow pride and enter the gates of hell to serve her country,” dagdag pa ng dating SOlicitor General.

Magugunita na isa si Hilbay sa mga nagkomento dati nang pumutok ang balita na gustong gawin ni Pangulong Duterte na drug czar si Leni. Boladas ni Hilbay, magbitiw na lang sa pwesto si Pangulong Duterte.

“Why not just surrender the presidency by resigning? Subukan natin,” sabi ni patutsada ni Hilbay.

Matatandaan naman na sinopla naman ng Malacañang ang pinagsasabi ni Hilbay. Resbak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kahibangan ang banat ni Hilbay at dapat huwag na lang pansinin. Kaya nga raw iniaalok kay Robredo ang anti-drug position ay dahil sa madalas na pagbatikos ng bise presidente.

Wala, kabalbalan lang iyong sinasabi ni Hilbay. Ang sabi ni Presidente, hindi ibibigay kundi bibigyan siya ng—ide-designate siya as drug czar para siya ang magpatupad ng batas dahil marami siyang reklamo eh, kesyo bigo, kesyo ganiyan. O ‘di sabi ni Presidente, “O magaling ka pala, o sige ikaw na mag-drug czar. Bigyan kita ng anim na buwan, tingnan ko nga kung anong magagawa mo.” buwelta ni Sec. Panelo.

Source: News5 | Inquirer | Remate

Leave a Reply

Theme by Anders Norén