Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Pirma ni BuCor Chief Faeldon sa Release Order kay Ex-Mayor Sanchez, Magkaiba?

Nitong Agosto ay naging isyu ang posibilidad ng paglaya ni former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez dahil sa batas na Good Conduct Time Allowance na nagbibigay sa mga bilanggo ng pagkakataon na mapababa ang oras na ipamamalagi nila sa piitan.

Si Sanchez ay convicted suspect sa rape-slay case sa mga estudyante ng University of the Philippines Los BaƱos (UPLB) noong 1990’s. Ito ang naging dahilan ng pag-alma ng mga kababayan natin sa balitang pagpapalaya sa salarin.

Sa gitna ng kontrobersiya at ulat ng media, nagsalita si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon at sinabing hindi lalaya si Sanchez dahil sa mga nagawa nitong paglabag habang nakapiit sa Bilibid. Binanatan din ni Faeldon ang paraan ng pag-uulat ng media.

“Walang katiyakan na lalaya na siya… Alam mo naman ang mga tao mahilig gawin ang ganyang (tsismis) kasi para form of entertainment iyan sa Pilipinas na mag-create ng controversies… Mayroon na diyang politically motivated. Kako tumigil nga kayo. Some people want to destroy others. Sinabihan ko ang mga kasamahan natin sa mainstream media na maging responsable naman tayo at huwag niyong pag-away-awayin ang bansa. Huwag niyong i-agitate ang bayan. You put words into our mouths na hindi namin sinabi… Si Sanchez is not yet released, we are not even reviewing his papers but madami na akong nakikita sa news feed niyo na sinasabi niyo na politically motiviated. Please help the country. Huwag naman mag-speculate ng ganyan-ganyan. We are doing our best here because judicious nga tayo. Nagpa-panic na ang buong bansa. We are creating worries sa buong bansa based from speculations,” paliwanag ni Faeldon.

Nitong nagdaang araw, may ilang media ang nag-ulat na mayroon daw silang nakuhang release order document na pirmado umano ni Faeldon upang mapalaya si Sanchez.

Pero kung susuriin ang dokumento at ang bank secrecy waiver na nilagdaan ni Faeldon noong 2017, makikita ang pagkakaiba sa mga pirma.

Ito po ang bank secrecy waiver na pinirmahan ni Faeldon noong 2017.

Ito naman po ang release order kay Sanchez na pirmado daw ni Faeldon na nakuha ng media.

Panoorin ang kabuuang ulat.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén