Local News

Pirmado na ni DU30 ang Free Internet sa mga Transport Terminals!

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayon na magbigay ng libreng internet connection at malinis na palikuran sa mga pasahero sa mga land transportation terminals, stations, stops, rest areas, and roll-on/roll-off (RORO) terminals.

Sa ilalim ng Republic Act 11311, ipinagbabawal ang paniningil sa mga comfort rooms (CR) sa mga terminals at mga stopover ng mga pasahero. Kinakalingan lang ipakita ng mga biyahero ang kanilang tiket. Hindi naman sakop ng bagong batas ang mga deluxe na comport rooms.

Nakasaad din sa batas na kailangang mayroong maayos na bentilasyon at lactation station ang mga transport terminals.

Ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ang naatasan na siguraduhin mayroong libreng internet connection sa mga terminals.

Ang Department of Transportation (DOTr) naman ang mag-iinspeksyon para mapanigurado na napapangalagaan ang kalinisan ng mga palikuran sa mga terminals.

Ang mga terminal na lalabag sa panuntunan sa sanitary facilities ay papatawan ng P5,000 multa kada araw ng paglabag nito.

Source: GMA News | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: